
YAKAP CLINICS
ANO ANG YAKAP CLINIC?
Ang YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) ay programa ng PhilHealth na naglalayong mabigyan ang mga Pilipino ng mas madaling access sa basic healthcare at preventive health services.
ANO ANG MGA SERBISYONG MAAARING MAKUHA?
-
Libreng konsultasyon sa doktor
-
Laboratory tests na sakop ng programa at inirekomenda ng doktor
-
Cancer screening para sa maagang pagtukoy ng ilang uri ng kanser
-
Mga gamot sa ilalim ng GAMOT benefit na maaaring umabot sa ₱20,000 kada taon, depende sa eligibility at mga patakaran ng programa
SINO ANG PUWEDENG MAG-AVAIL?
-
Mga miyembro ng PhilHealth at kanilang qualified dependents na nakarehistro sa isang accredited YAKAP Clinic.
PAANO ITO MAGAMIT?
-
Pumili ng isang PhilHealth YAKAP-accredited clinic.
-
Magparehistro sa napiling klinika.
-
Sundin ang proseso para sa initial consultation o First Patient Encounter (FPE).
MGA PHILHEALTH YAKAP-ACCREDITED HEALTH CLINICS SA CAINTA, RIZAL
Narito ang listahan ng mga health clinic at pasilidad sa Cainta, Rizal na nakalista bilang YAKAP-accredited.





